Tuesday, November 24, 2009

Ang Tunay na Kadahilanan

Kung bakit ako sumusulat sa blag na ito ay dahil hindi ako pwedeng tumae kung saan-saan.

Thursday, October 22, 2009

Utot

Noong isang linggo ay nakasakay ako sa "Megatrain" (ayon doon sa guard na naka-megaphone sa Santolan LRT Station Line 2). Tuwing paparating na 'yung tren ay lagi niyang sinasabi na:

"Ser, ma'am pakiatras lang po."

Atras saan? Ang alin? Bukod sa kasabawang iyan e kapag tumigil na 'yung tren at bumukas na 'yung mga pinto ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang speech:

"Tayo po'y sumakay na sa megatrain!!!"

Sa isang masiglang-masiglang tono na sana'y nakaaakit sa ating mga pandinig... Pero hindi talaga eh. Tapos kong marinig iyon ay nakapasok na ako sa loob ng tren sapagkat marami rin naman ang sumasakay sa Santolan station. Maya-maya pang kaunti ay umandar na rin 'yung tren. Ok na sana 'yung biyahe eh, nakakabuhay 'yung guard kapag umaga, pero may umutot sa loob ng tren.

Hetong sa'yo: AMBAHO GAGO.

Lahat ng linalabas ng tao sa kanyang katawan ay mabaho. Isa itong uri ng paghahasik ng lagim. Nakamamatay.

Friday, October 16, 2009

Ipot

Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagpost dito kaya linalangaw na 'tong blogspot ko pero heto na ang pinakaaabangan mong post pagkatapos ng mahabang panahon.

Minsan ebak, minsan tubol, minsan ipot. Putanginang mga ipot ng lipunan 'yan.

Wednesday, September 30, 2009

Faucet

Alam mo ba 'yung pakiramdam na biglang bubulusok lahat ng tae mo sa butas ng pwet mo? Putangina mahapdi eh. Para kang tinira ng egoy sa likod.

At ngayong iniimagine mo na tinitira ka ng egoy sa pwet (tangina kadiri ka) at umuungol ka sa sakit na nadarama mo, may tanong ako sa iyo: Gusto mo pa ba? Gusto mo 'no? Ok joke lang. 'De hindi joke 'to. Ang baboy kasi ng isip mo.

Iyan ang nagagawa ng utak. Para itong faucet ng mga kahulugan na siyang nagbibigay ng halaga sa bawat salitang nakalathala sa blag na ito, o sa kung anupamang bagay na naisin mong isipin. Kumbaga, ikaw lang talaga ang gumagawa ng pagpapakahulugan sa:

"tinitira ka ng egoy sa pwet,"

At hindi ako. Wala talagang kadiri sa mundo. Nandidiri ka lang. Walang bastos sa mundo. Lumalabas lang talaga pagka-manyakis mo. Itago mo muna 'yang ngiting-demonyo mo bago ka magsabing

"mabait ako,"

Dahil ako lang 'yun.

Monday, September 21, 2009

Kabantutan

Kailangan nating tanggapin na napakaraming tae sa mundo - sa mga pag-uutak na hindi mo kakikitaan ng kahit isang kusing ng sentido kumon at sa mga kilos na hindi mabigyan ng karampatang kadahilanan dahil sa lubusang pagkatanga ng gumawa at ng ginawa.

At ngayong nagiging isang ganap na septic tank na ang mundo mo e malamang hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo, 'di ba? Tila permanenteng nagiging maalingasaw na ang panahon gaya na lamang ng pag-init ng ulo mo dahil sa paglaki ng populasyon ng mga bano at mga hambog na tae rito sa balat ng lupa. Isang malaking "putangina naman eh bakit ba kayo ganyan?" ang tanging tanong na maibabato mo sa sangkalangitan kung bakit sa pagiging sawimpalad ng mga tae rito sa mundo ay nadadamay na ang iyong kapalaran sa kanilang pagkakabigo.

Walang solusyon. Mahahabag ka na lamang kung bakit naging ganito ang mundo. Ay teka, kung ang mga intelektwal na nilalang na hindi tabugok ang pag-iisip ay nagsama-sama...

"If the brains of the nation would constitute," sabi nga ni Jose Rizal, eh 'di... "The hell of a shitload would constitute as well."

Tang. Ina.

Saturday, September 19, 2009

Ulupong

Maraming ganyan sa mundo, lalo na kung isasaalang-alang mo 'yung ipinahayag ng Genesis sa banal na bibliya na may isang ganyan na naghasik ng lagim sa paraiso.

Iyan ang isa sa mga tunay na anak ng tae.

Sunday, September 13, 2009

Masarap Ba Ang Bawal

Mga ilang taon na ang nakararaan, tuwing tumatakas ako sa bahay at nagcocommute pauwi nakikita ko ang billboard ng bold na 'yan habang nakasakay sa trike. Halata namang bold 'yan eh, at alam mong mga amateur 'yung mga gumaganap. At alam mo rin na nagjajakol 'yung mga lalaking nanonood niyan sa loob ng cinema dahil 'yung cinema ay nasa isang palengke.

At tiyak mabaho 'dun.

Pero masarap ba ang bawal?

'Pag diabetic ka, napakasarap ng coke.
'Pag asthmatic ka, napakasarap ng yosi.
'Pag obese ka, napakasarap ng baboy.
'Pag virgin ka, napakasarap kumantot.

Pero hindi lahat ng bawal masarap.

Bawal tumae.

Saturday, September 5, 2009

Ligaw

Ang panliligaw ay parang pagtawid mula sa sidewalk papunta sa kalsada. May kanal sa pagitan ng dalawa. Dito mo ngayon susukatin kung gaano kalayo ang hahakbangin mo at tatantyahin kung gaano kalakas ang talon na isusuong mo.

Ang problema naman dito e kapag nahulog ka doon sa kanal. Mabaho 'dun eh. Ngunit anong saya naman kaya ang hihigit pa kapag natawid mo na 'yung putanginang kanal na parang nalasap mo na ang pinakatagumpay ng buhay mo?

Wala. Gago sasagasaan ka pa ng tatay. Gusto mo ah. Bumalik ka sa sidewalk.

Thursday, August 27, 2009

Magic Sarap

Ang pinakamasarap na sangkap bilang pampalasa sa kahit anong putahe na lalasapin mo sa buong buhay mo ay iyong matamis. Kapag linunok mo iyan, mamaya mapakla na sa dila. Tapos aasim, tapos papait, tapos mamaya maiisip mo... Ang alat.

Nakausap ko noon si Boy Turon tungkol sa mundo at heto ang sinabi ko sa kanya:

"Pare, ang buhay ay isang kantutan. Ang mundo ay isang malaking kama. Lahat tayo ay tite at puke lamang."

Nang lumipas ang maraming buwan, napag-isip-isip ko............ TOTOO NGA. 'Wag ka na umangal; malibog ka rin gago.

Monday, August 24, 2009

Anak Ng Ebak

May mga tao talaga na hindi mo alam kung ilinuwal ng ebak noong pinanganak. Bukod sa kahindig-hinding na ka-ebak-an 'yung ugali at nag-uumapaw sa ka-ebak-an ang kokote, sumusuong din sa ating kamalayan ang kanilang hindi kapana-panabik na amoy - pero hindi 'yung amoy na nasasagap ng ating ilong - 'yung amoy na nakukutuban natin na may hindi magandang mangyayari.

Tapos biglang mangyayari ang inaasahan mong ka-ebak-an. Tapos, 'yung ebak na gumawa noon, hindi niya talaga alam na ebak siya. Pero may solusyon para maituro sa kanya ang realidad na isa siyang ebak...

Maghanap kayo ng tubol sa kalsada tapos sabihin mo:

"Lolo mo."

Tuesday, August 18, 2009

Kupal

Alam naman natin na ang ibig sabihin ng salitang kupal ay 'yung hindi kaaya-ayang amoy na umaalingasaw sa balat na nagsisilbing panakip ng ulo ng ari ng isang lalaki. 'Wag mo na subukang amuyin dahil hindi ito magiging isang magandang karanasan.

Pero maaari rin naman nating ilagay ito sa mas literal na konteksto sa paghahalintulad ng payak na katangian na ito sa mga kapwa mortal nating tao na masyadong magaling sa maraming larangan o aspeto ng ating buhay.

Paano mo kaya uubusin ang kupal sa mundo? Asa boy.

Saturday, August 15, 2009

Brakes

Motor, bisikleta, kotse, bus, jeep... at marami pang iba - lahat 'yan may mga prenong nakalagay sa gulong nila para kung kinakailangang tumigil e makatitigil sila. Isa itong mahusay na rebolusyon bilang pag-usbong sa larangan ng teknolohiya na tao rin ang nagsimula at patuloy na gumagawa.

Isang kabalintunaan nga lang na ang mga tao mismo, paminsan-minsan, walang preno sa bunganga. Magaling.

Wednesday, August 5, 2009

Population Pollution

Nagkalat ang mga bano sa iba't ibang lupalop ng ating mundo. Sila ang kumakatawan sa napakalaking bilang ng mga nilalang na gumagawa ng napakaraming kamalian na siyang nagdudulot ng kanilang kasablayan na patuloy namang sumisira ng kanilang pangalan kung kaya't ginagawa nila ito hindi para sa kanilang kapakanan kundi para ipakita ang kanilang angking katangahan sa hindi maipaliwanag na mga kadahilanan at ito'y hindi magkakaroon ng kahit anupamang katapusan hangga't hindi nila matutustusan ng tamang katalinuhan ang kanilang mga ignoranteng kamalayan.

Ang mga bano ay kumakatawan sa isang unstoppable force. 'Di mo sila mapipigilang gumawa ng mga kabanuan dito sa mundo. Bagaman sila'y isang populasyon, sila rin ang nagiging polusyon.

'Yun nga lang, walang mundo kapag walang mga bano. Pasalamat tayo't marami sila.

Saturday, August 1, 2009

Mali Eh

Alam mo ba kung bakit ka dapat matuwa sa mga bagay na hindi nakatutuwa?

'Di ko alam eh.

Monday, July 27, 2009

Etits

Ang buhay, minsan mahaba, minsan matigas, minsan may balat na may malambot na ulo, minsan maraming bulbol - pero ang mahalaga, nasasaksak mo pa rin ito sa napakaraming butas.

At kapag lumabas ang katas ng buhay doon sa butas na pinasukan mo, mararanasan mo ang labis na kasiyahan dahil maiisip mong naaitim mo na ang mga bagay na pinaghirapan mong suotin sa kabila ng napakaraming hadlang at ang mga bagay na pinaglaanan mo ng 11 minutes (according to Paolo Coelho).

11 mins. daw 'yung sex eh.

Pero teka hindi talaga sex 'yung tinutukoy ko rito. Basahin mong muli nang maintindihan mo. 'Pag 'di mo pa rin nagets, apir, manyak tayo 'tol. 'De joke lang ikaw lang 'yung manyak gago. Malinis konsiyensiya ko.

Saturday, July 25, 2009

Wow Mali

May isang batang naglalaro ng batu-batuhan kasama ng kanyang mga kaibigan sa isang playground. So ayun, pulot siya ng pulot ng bato na itatapon sa mga putanginang kaibigan niya na namamato rin sa kanya.

Maya-maya may isa siyang napulot na bagay na kulay bato, kutis bato, hugis bato, amoy tae.

Tubol pala. (Tae ng aso)

Doon pa lang, nabato na niya sarili niya. Pulot ka kasi nang pulot eh. Next time tingnan mo naman sir para hindi tae 'yang sasandukin ng mga daliri mo.

Monday, July 20, 2009

Martyrdom

Nakapaglaro ka na ba ng multiplayer ng Call Of Duty 4? Kapag mataas na level mo 'dun, may perk kang mauunlock na tinatawag na "Martyrdom." Tuwing mamatay ka, maghuhulog ka ng isang granada sa area na kinalustayan ng mortalidad mo.

So, kupal 'yun.

Ang ikinaganda naman noon, sumugod ka sa kamatayan para maghatid ng kamatayan. Kumbaga, dahil alam mong mamatay ka, idamay mo na rin lang ang lahat. GG deads.

Pero dapat sa totoong buhay ganoon ka rin eh. Kapag namatay ka na, dapat manggago ka na. Tutal patay ka na rin lang, sagarin mo na. Kung martyr ka, hetong sa'yo: EH NAMATAY KA. Putangina ano masaya 'dun? WALA TALAGA EH. Walang masaya 'dun; ang masaya, 'yung pumapatay ka.

Wala kang nakukuha 'pag namamatay ka. Ikaw ang kinukuha.

Saturday, July 18, 2009

Thursday, July 16, 2009

PLDT

PLDT: Putangina Laging Disconnected Tae

Ayan may internet na uli ako mga jologs. Muli na akong makapaglalathala ng mabuting balita para sa sangkataehan.

Thursday, July 9, 2009

Pentium -S

'Yan 'yung pinakalumang Pentium processing core. May mga taong mas mabagal pa diyan ang pag-iisip - sa kadahilanang hindi nila maintindihan ang pagkakaiba ng katotohanan at kasinungalingan.

Mag-isip-isip ka sir.

Monday, July 6, 2009

Endurance

Maaaring matigas 'yung ulo ng isang lalaki, maaaring 'yung nasa itaas o 'yung nasa ibaba. Pero kahit matigas 'yang mga 'yan, hindi rin talaga natin lubusang alam kung gaano kahaba ang panahong itatagal ng pagiging matigas niya.

Lahat ng lalaki astig.

Joke lang gago. Ang dami-daming supot eh.

Saturday, July 4, 2009

Matigas Ang Ulo

Dalawang ulo 'yan eh. 'Yung isa, 'yung ulo sa taas. Matigas 'yun paminsan-minsan kaya kadalasan eh nadadali ang isang tao sa mga sitwasyon na hindi talaga kaaya-aya at naiipit siya sa mga suliraning kainakailangang lutasin.

'Yung isang ulo eh 'yung nasa ibaba. Hindi ito 'yung nadadali; ito 'yung nangdadali.

Iba na 'yun.

Sunday, June 28, 2009

Kaguluhan Ng Kaisipan

Ang mga babae, sadyang abnormal lang talaga. Kahit anung klaseng pag-iintindi gawin mo bilang isang lalaki, hindi mo talaga sila maiintindihan eh. Sila 'yung panggulo sa isipan natin, saka mga panggulo na rin sa mundo.

Si Adan ay nagsakripisyo ng isang rib para mabuhay si Eba. Pagkatapos...

"Uy Adan! Ang sarap ng mansanas na 'to! Gago tikman mo."

Tangina nauto at nadamay pa si Adan amputa. Kung wala si Eba, malamang sa hindi'y nasa langit pa tayong lahat. Pero hindi eh.

At pagdating sa lupa, naghihikahos na si Adan sa pagkaulul kung bakit ganito ang kapalarang kinahinatnan niya. Nagkakaulul-ulul siya ngayon. Eh kung baligtarin natin ang mundo? Paano kaya kung babae ang manliligaw at lalake ang sasagot?

PARAISO GAGO.

Saturday, June 27, 2009

Talunan

Tanginang 'to oh. Kahit minsan sa buhay mo, manalo ka naman. Wala ka bang ibang alam kung hindi matalo?

Friday, June 26, 2009

Ang "Tao"

Minsan bobo lang talaga ang tao. Pero minsan, mas bobo lalo. Maaaring magtaka ka kung bakit ganito ang nature ng isang human being, hindi ba? May isang sagot diyan.

May utak ang tao. Kaya bobo eh. 'Eto pa. May puso ang tao. 'Yun, GG, nagpapabobo talaga 'yun. Pero kung hayop ka, wala kang konsepto ng bobo.

Magpakahayop ka na.

DSL

Dial-Up Sa Landline.

Pukingina ang bano ng internet connection kani-kanina lang. Espesyal pa naman 'yung ika-25 araw ng bawat buwan para sa akin.

DSL - ito 'yung tanginang dahilan kung bakit mainit 'yung ulo ko kanina.

DSL - dahil sa love - kaya malungkot ang mga lalaki.

DSL - dahil sa libog - kaya masaya ang mga lalaki.

Mabuhay lahat ng malibog. Kayo ang nagbibigay buhay sa mundo.

Wednesday, June 24, 2009

PANDS Reality

Pinaasa
Ako
Nang
'Di
Sinasadya.

PANDS pukingina. 'Yan 'yung realidad na sumasaklaw sa mga taong bigo lang talaga 'yung kapalaran.

Sunday, June 21, 2009

Conformity

Ayaw mo sa bano; ayaw mo maging bano. Pero deep inside, at alam mo 'yun, bano ka talaga. Teka, bano rin 'yung katabi mo, saka 'yung katabi niya, pati mga lolo nila, pati mga lolo ng lolo ng lolo ng titi nila. Bano 'yung nasa likuran mo. Bano 'yung nasa harap mo. Bano 'yung tinatapakan mo. Bano 'yung nasa taas mo.

Lahat ng bagay sa mundo ay bano.

Saturday, June 13, 2009

Paghihirap

Kapag nanliligaw ka, akala mo ba napakahirap na ng mga pinagdaraanan mo? Dehins bro. 'Pag napasagot mo na, maghihirap ka pa lang.

Pero ang pinakamahirap sa lahat, maging asa boy.

Wednesday, June 10, 2009

Utu-Uto

Ipagpalagay na may isang crush ng bayan at isang manliligaw: Si manliligaw gagawin ang lahat para makamit ang puso ni crush. Si crush (na ayaw kay manliligaw) gagawin ang lahat para maging yoyo ang puso ni manliligaw.

Bakit yoyo? Kasi ang yoyo pinapaikot eh.

Heto pang isa. Kapag umiikot na 'yung yoyo at nakaextend na yung string, tuwang-tuwa 'yung yoyo kasi umiikot siya. Tuwang-tuwa rin si crush kasi maglalabas na siya ng gunting para gupitin 'yung string.

"Babay!"

Masyadong kahabag-habag tingnan 'yung basag na yoyo sa malayo.

1.) Pwede ring titigan na lang ni crush 'yung yoyo hanggang sa tumigil ang pag-ikot nito.
2.) Pwede ring hilahin niya 'yung string pataas para bumalik 'yung yoyo sa kanyang palad... ASA BOY.

Monday, June 8, 2009

Hand Job

Law # 1: Maraming isda sa dagat.
Law # 2: Mas madaling hulihin ang manok na nakatali.
-----

Para sa isang lalaki, tatlo lang ang kinakamay.
1.) Isda
2.) Manok
3.) Babae

Sunday, June 7, 2009

Ang Alamat Ng Tae

Noong ginawa si Adan para alagaan ang mga hayop, mga halaman, at kung anu-ano pa, nalungkot siya dahil nag-iisa lamang siya. Dahil doon, humiling siya ng kaagapay sa kanyang payak na kabuhayan.

Binigyan siya ng kapwa tao. Si Eba.

Noong nahulog sila mula sa paraiso dahil sa kanilang pagkakasala, nalungkot sila.

"Eba, ano kaya kung gumawa rin tayo ng tao?"

"SIGE TARA!"

*Insert moans here*

"Eba lalabas na!"

"Adan iputok mo sa loob!"

After 9 months...

"Eba shet ano 'yang linabas mo?"

"Adan shet mukhang tae."

"Gago tae nga! Tara gawa pa tayo."

"SIGE TARA!"

Tanginang mga tae 'yan.

Friday, June 5, 2009

Hard

Kausap ko si binibining, hmmm, itago natin sa pangalang "Rina," sa Y!M kanina. Tapos sa gitna ng aming talastasan may isang magandang ideya na pumutok sa loob ko. Sa loob ng utak ko. Ikaw ah kung anu-ano iniisip mo eh.

It's hard to be a guy.

But being a guy means being harder.

Patigasan na tangina.

Wednesday, June 3, 2009

Kagaguhan

May mga pagkakataon na ang isang tunay na lalaki eh tanga lang talaga. Halimbawa, ipagpalagay na si ginoong X ay aasa kay binibining Y.

Assumptions:
- Maginoo si ginoong X, at dahil dito eh utu-uto siya sa tadhana kaya siya nauulul araw-araw at nabobobo gabi-gabi.
- Nakababanban si binibining Y dahil hindi natin alam kung may pag-asa ba ang manliligaw o pinapaasa lang talaga.

Pero hanggang speculation lang 'yan mga ser. Wala pa naman tayong profiles ni X at ni Y.

Profile ni X: Magiging ex talaga 'yan.
Profile ni Y: Mapapa-why si X.

Pero hanggang profiling lang tayo, medyo sabaw pa. 'Di pa natin alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal sa kanila.

Pagmamahal? Kagaguhan.

Monday, June 1, 2009

Imba

Back.

Tower Hug.

Def.

Counter push.

GB.

Kill.

Clash mid.

GG.

Ang pag-ibig/sex parang DotA lang. Isang oras mo lang mararanasan.

Sana nga lang 25 pesos per hour din 'yung charge.

Saturday, May 30, 2009

Magulang

Dalawa ang ibig sabihin ng salitang magulang:

Si magulang 1 - Parents; tagapamuno ng isang pamilya at nag-aaruga sa mga anak

Si magulang 2 - Taong madaya at nanglalamang ng kapwa para sa sariling kapakanan

Pero minsan, pwede ring pagdugtungin 'yung dalawang definitions para mas astig.

Thursday, May 28, 2009

Large

"Everything on this world has a reason, and the reason is you."
"I know something larger than life, and that is my love for you."
"All the crazy things I do, I do it only for you."

Putangina. Ang sinumang magsabi niyan ay isang malaking bayag.

Sa lahat ng mga babaeng sinasabihan ng mga ganyan, pinapaalalahanan ko na ang mga lalaki ay may lahing barbero.

Actually wala lang talaga akong maisulat. Pero 'yan o meron na.

Tuesday, May 26, 2009

Kapitan Tanga

Minsan masarap maging captain.

Pero paano kung ikaw 'yung under sa captain? Ano ang gagawin mo sa kapitan?

Pwede kang kumapit sa:
1.) Patalim.
2.) Palda ng nanay mo.
3.) Kamay ng syota mo.
4.) Bayag mo.

Kumapit ka lang sa kapitan, pero 'wag kang umasa.

Sunday, May 24, 2009

Anak Ng Tae

Minsan masarap talagang maging martyr sa kahit anupamang aspeto ng buhay. Pero minsan, nakasasawa na rin lalo na kapag 'yung larangang ginagampanan mo e olats.

Minsan nakakaumay na rin 'yung mabuhay araw-araw na alam mong nasasawi ka. Pero patuloy mo pa ring ginagawa 'yung ikinatataob ng iyong kapalaran sa kadahilanang hindi mo ring maipaliwanag.

Minsan malas ka lang talaga.

Tae ka.

Saturday, May 23, 2009

Tililing

Maraming babae ang may tililing.

Boy: Hey babe, McDo tayo mamaya.
Girl: Uhhh, uhmm, uhh...
Boy: Game?
Girl: Mmmkay sige.
Boy: Ayos.
Girl: [kinilig nang todo putangina]

Girl: Uhm, may gusto sana akong itanong sa'yo--
Boy: Puta ang sarap nitong burger na inorder mo ah.
Girl: Hindi ako puta.
Boy: Putangina 'di ikaw tinutukoy ko.
Girl: Hindi puta nanay ko gago.
Boy: Tarantado sinabing masarap nga 'yung burger eh tapos mumurahin mo 'ko? Tangina mo pala eh.
Girl: Ah. I'm sorry.
Boy: Ina mo gago.

Girl: Ayoko na sa'yo!
Boy: Ah crush mo ba 'ko?!
Girl: Hmph.
Boy: Putangina nagtatanong lang eh.

GG.

'Yun nga lang, mas may tuliling ang mga lalaki.

Wednesday, May 20, 2009

Pagbabago

Naisip kong i-renovate itong putanginang blag na 'to para naman mas magkaroon ng sense.

Teka 'wag mo masyadong i-sense. Tangina naman eh. Masyadong English p0wz yAn k0yah.

Kanina kasi, habang nakikipag-usap ako sa Y!M sa isang kaibigan, nabanggit niya ang kahalagahan ng optimism at sa kung ano ang maidudulot nito sa isang tao. Oo, maganda ang punto niya.

Pero hindi lahat ng magandang punto ay sumasang-ayon sa isa't isa. Parang titi lang 'yan eh. Ay mali. Parang bulaklak lang 'yan eh - kanya-kanyang kagandahan. Pero minsan, hahanapin mo kung ano 'yung mabango.

Walang kinabukasan.
Walang nakaraan.
Ang mayroon lang ay ang ngayon.
Ano meron ngayon?

Wala.

Sunday, May 17, 2009

626

Isa lang itong analysis sa isang tulang ginawa ng aking kaibigan. Makikita ang tula rito.

Nagsisimula talaga 'yung tula pagkatapos ng taludtod na "626."

1st stanza: 6 verses
2nd stanza: 2 verses
3rd stanza: 6 verses

Ayun, kaya pala siya 626. Ang gusto kong gawin mo, kunin mo lahat nung first letters ng bawat verse.

Ngayon ilagay mo dito: _ _ _ _ _ _ - _ _ - _ _ _ _ _ _ . Ayan may sentence ka na. Ang saya 'no?

Tapos pagbaligtarin mo yung 1st and third words nung sentence, since pareho lang naman silang "6."

Tae rin 'yung gagong 'yun eh.

Wednesday, April 29, 2009

Palpak

Tanggapin mo na, minsan may mga tao talagang palpak. Kahit anung klaseng trabaho ang suutin nila at kahit anung klaseng paghihirap ang pagdaanan nila, malas lang talaga.

Listahan ng kanyang kapalpakan:
1.) bunganga - nauuna 'yung dila.
2.) utak - nauunahan ng dila.
3.) tao - tae

Tuesday, April 7, 2009

Lusot

Putanganak nasipa ako sa aking magandang paaralan.

Pero maghahanap ako ng paraan para lumusot sa kamay ng kapalaran.

Eh kung tumae kaya ako sa kamay na iyon?

Pwede rin.

Monday, March 30, 2009

Gatas ng Lalaki

Putangina bakasyon ko na. Sa wakas makakapaglathala na naman ako ng napakaraming kasabawan sa site na 'to. Ginawa ko lang naman talaga 'to para may magawa kapag walang ginagawa bukod sa paglalaro ng jackstone.

Ito ang punto ng blog na ito: alam niyo bang lahat ng lalaki ay may gatas din? Oo, walang biro, pero kaunti lang. May mammary glands din ang kalalakihan kaya kahit papaano e pwede rin silang magproduce ng gatas para sa bata.

Kaunting ingat lang, may pangatlong utong ang mga lalaki... Dun sa bandang ibaba. May ibang klaseng Condensada dun. Ewan ko lang kung masarap.

Tikim ka.

Friday, March 20, 2009

Puke Ng Kalabaw

May naisip sana akong isulat na magandang bagay kaso biglang lumakas 'yung volume nung videoke ng kapitbahay namin. Maganda talaga 'yung isusulat ko pero putangina ang pangit talaga ng boses nung mga kumakanta sa videoke - may boses palaka, may boses ipis, boses alimango, boses balyena, boses kambing, puta lahat na ng klase ng boses mayroon dun gago, basta 'yung pangit pakinggan.

Natutuwa pa sila sa ginagawa nila ngayon. Ako hindi. 'Di na nakatutuwa.

May hotline ka ng ABS-CBN? Magpadala kayo dun ng talent search.

Sunday, March 15, 2009

Electric Feel

May pinarinig sa akin dati 'yung isa kong kaibigan, 'yan 'ata 'yung title nung kanta. Tapos 'yung parang boy band na bakla na kumakanta, talagang mahusay. Kaya naisip ko 'yung mga taong feel na feel.

Wala namang mali roon eh. Pero minsan nakakatuwa lang talaga. Isipin mo may isang pogi sa stage na kumakanta. Alam mong bano siya pero ang alam niya magaling siya.

Pero dahil ikaw ay isang man of virtue at isang good samaritan at isang taong napaka-understanding, pwede kang umakyat sa stage tapos abutan mo siya ng piso.

Thursday, March 12, 2009

Zaido

Kilala mo ba si Zaido? Isa siyang pulis pangkalawakan. Ano ang ginagawa ng mga pulis na ganito?

Ito 'yung mga taong kupal.

1.) Pupuntahan ang iyong mga online accounts: Sa pagmamasid sa mga pictures mo e nabilang na niya lahat ng buhok sa ilong mo.

2.) Babasahin ang lahat ng entries ng inbox mo: Tuwing tumatae ka, malay mo, kinukuha niya cellphone/PDA mo. Yari ka gago.

3.) Nakasunod kahit saan ka magpunta: Parang bulldog lang. Hindi lang sila pareho ng tracking abilities, pareho pa sila ng mukha.

4.) Nag-iimbistiga siya sa mga tao sa paligid mo: Tinatanong niya mga apo mo sa tite kung ano ginagawa mo sa kama mo tuwing gabi.

5.) Uhhh, pangit siya.

Monday, March 9, 2009

Tiki Tiki

Puta medyo inamag 'yung blogsite ko ah. Tangina kasing paaralan 'yan ang dami masyadong pinapakain sa'yo kahit matae-tae ka na.

Sa ganyang mga sitwasyon, kailangan mo ng Tiki Tiki syrup, 'yung pampagana - hindi para ganahan kang kumain ng mas maraming trabaho kundi ganahang kayanin lahat ng taeng pinalalamon sa'yo.

Ang problema, ayaw mo ng ganoon.

Kaya mas lalong ayaw mo sa mga taong parang tikitiki. 'Yun bang hindi mapakali... Parang takbo nang takbo kung saan-saan. Kapag dumaan sa harap mo, suntukin mo.

"Tangina mo 'pag bumalik ka pa dextrose na ilalagay mo sa bunganga mo gago."

Friday, February 27, 2009

Ubod

Ang mga taong ubod, 'eto 'yung mga taong nagpayong noong nagpaulan ng kagandahan ang Diyos sa mundo, kaya ni isang patak man lamang ng kabutihan sa kanya e wala ka talagang makikita.

Tapos naisip niyang 'wag na lang magpayong noong nagpaulan naman ng kapangitan ang Diyos. Doon naman siya nagtampisaw at nagbabad. Tuwang-tuwa pa kamo.

Ubod talage eh tanginang 'yan. Tapos akala niya mabuting bagay 'yung nasalo niya mula sa langit kaya ngingiti siya sa'yo na sobrang proud.

Ubod talaga siya ng...

Ng...

Ng...

'Wag mo na alamin. Ubod lang naman ng tae.

Sunday, February 22, 2009

Bano

"Ay, mali."

Wala namang mali kapag narinig mo 'yan sa isang tao eh. Syempre, tao lang tayong lahat kaya natural lang na magkakamali tayo sa pang-araw-araw na mga gawain.

Pero kapag maya-maya mo na naririnig 'yang mga katagang 'yan na nagmumula lamang sa iisang tao, ah tangina talaga. Parang pinanganak na fail 'yun ah.

Bano gago.

"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."




"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."

Parang maling tao ka ah.

Saturday, February 21, 2009

Sakuragi

Ang pag-ibig parang basketball. Habang maaga't may enerhiya ka pa, tumira ka na nang tumira Kahit sablay. Tira lang; baka mamaya mahina na muscles mo.

At kapag nabigo ka na, isipin mo na lang na si Sakuragi e limampung (50) beses nang itinaob ng iba't ibang babae. At nakamit niya ang tagumpay na iyan sa unang taon pa lamang sa highschool.

Kapag linampasan mo 'yung record niya...

MAHUSAY.

Thursday, February 19, 2009

The Seven Horny Horns

Ito ang pitong senyales na nagpapakita ng kalibugan ng isang lalaki:

1.) Pasulyap-sulyap

Nako ayan na, nakakita ng potential target si lalaki kaya umaaligid ang kanyang dalawang mata sa area.

2.) Titig

Kapag tumitig ang isang lalaki ibig sabihin tinitingnan na niya talagang mabuti ang babae at hinahanap ang mga gusto at ayaw niyang makita doon.

3.) Turo

Kapag tinuro ng isang lalaki ang isang babae para makita ng mga kapwa lalaki, ibig sabihin e malupit talaga 'yung babae.

4.) "Uiii!"

Kapag binanggit ng isang lalaki ang expression na iyan, ibig sabihin kumilos 'yung babae sa paraang nagustuhan talaga ng lalaki.

5.) "Shit!"

Shit talaga kasi talagang matatae na 'yung lalaki sa pantalon niya kakatingin dun sa babaeng kanina pa niya pinagnanasahan.

6.) "Tangina!"

Ah 'eto tangina talaga kasi malamang nakakapagpasabog-bayag na 'yung babae sa kagandahan o kaseksihan niya.

7.) "UGHHH..."

Gago may linabasan. GG. Kaunting babala lang sa mga babae dahil baka biglang may kabayong dumapo sa ano niyo... Sa ano, basta.

Paano mo malalaman kung ang isang lalaki ay matino na? Simple lang... Naputol na niya ang pitong sungay na iyan sa pag-uugali niya. 'Yun ang tunay na lalaking nagmamahal.

Joke lang gago. Lahat ng lalaki malibog.

Sunday, February 15, 2009

Ungas

Napakaraming ungas sa mundo. Alam mo ba 'yun? Sobrang hindi mo talaga sila maiintindihan:

- May mga balak sila pero sinasabi nilang ayaw nilang gawin.

- May mga gusto sila pero sinasabi nilang ayaw nilang abutin.

- May katinuan sila pero ayaw nilang gamitin.

Kaya nga ungas eh. Pero sila talaga 'yung sobrang malalabong mga tao na minsan kailangan 'wag mo nang intindihin para matauhan. Puro kasi drama eh.

Ikaw, ungas ka rin 'no?

Saturday, February 7, 2009

Turon Turon Sinta

Turon turon sinta
Buko ay dalawa
Dala-dala'y libog
Sisidlan ng tamod
Pagsaksak sa dulo
Nabali ang saya
Butas ang ANO niya
Humanap ng iba

Ito ang awit nasyonalismo ng mga Hormonoid. Mag-ingat sa kanila, baka madevirginize ka nang 'di oras.

Saturday, January 31, 2009

Hormonoid

Tumatae ako kanina nung biglang pumasok 'yang salitang 'yan sa kamalayan ko.

Teka may salita bang ganyan?

"Wala."

Tao?

"Oo?"

Ang hormonoid ay 'yung mga taong ang lifeline e hormones. Puros kalibugan lang 'yung laman ng kanilang budhi't saloobin, at kabulastugan naman sa kanilang kaisipan. Ay teka, mayroon ba talaga silang puso't isipan?

Mayroon naman, matatagpuan ito sa kanilang tite.

Hormonoid = ang titing tinubuan ng tao

Sunday, January 25, 2009

Don Romantiko at ang mga Susi

Minsan nakapipikon din 'yung mga romantikong tao. Alam mo ba 'yun? Para silang mga susi. Animo'y pupulutin din ni Kupido sa kangkungan tapos paliliparin sa isang saranggola habang bumabagyo.

'Eto namang mga putanginang susi na 'to, akala mo e sa gitna ng bagyong dinaranas nila sa buhay e nakakakita ng liwanag sa kadiliman, kaya aasa sila.

Kikidlatan.

Lalagapak sa lupa na tustado hanggang buto.

Papakasusi ka pa sa puso ng ibang tao a. Tangina mo. Bobo mo gago. Hindi na uso susi ngayon ungas. Titi na.

'De biro lang. Ang pagiging romantiko ay parang pangangapa ng titi sa dilim.

Tuesday, January 20, 2009

Cockfighter

Ang pag-ibig parang sabong. Maniwala ka sa akin. Heto't ipoprove ko kung bakit.

1.) Love is a wild goose chase.

Oo, hahabol ka ng mga gansa. Lipad doon, lipad dito. Tangina naman e wala kang makuha. Sana pato na lang hinabol mo, mas tanga 'yun e. Pero syempre ayaw mo ng tanga kaya maghahanap ka ng mas magandang ibon.

2.) 'Wag habulin ang mga sisiw.

Ang mga chicks, pinapakawalan lang 'yan. Masyado maliit pakinabang sa kanila. Hahaplus-haplusin mo lang. Sila naman magpapacute lang sa'yo. Sa bandang huli e pakakawalan mo rin naman 'yang mga 'yan.

3.) Mas masarap at mas malaman ang roast chicken sa itik.

'Pag pumunta ka sa Andoks o Baliwag, malamang mas mapapa-"pakshet ang laki!" ka sa manok. Hindi ka bibili ng putanginang itik. Aanuhin mo 'yun? Walang kwenta 'yun e. Mabuti pa 'yung manok, pwede mo pa isabong, 'di ba?

4.) Mas madaling hulihin ang manok na nakatali.

Bakit ka takbo nang takbo sa wilderness kung ang gagawin mo lang e pupunta ka sa kapitbahay mo at susulutin 'yung manok niya? Bobo mo. Pero, mag-ingat ka lang sa amo nung manok, baka pulbusin ka 'pag kinidnap mo panabong niya.

5.) Hindi hinuhuli ang ostrich.

Baka ikaw itali nun ungas. Don't acquire something you can't handle. Pinapabayaan lang 'yang mga ostrich na 'yan. Panget mga 'yan e, saka mabaho, saka violent. Ang liit pa ng utak, tapos ang laki mangitlog. Walang kwenta.

6.) 'Di mo kailangan ng underwater bird.

Penguin? Hindi ko rin alam kung paano naging ibon 'yun. Lumilipad lang 'yun sa dagat. Bakit mo susundan sa dagat? Taga-lupa ka, hindi ka para sa mga penguin. Saka mamamatay lang 'yun pag linabas mo sa teritoryo nila.

7.) Ang mata ng kwago ay malaki.

'Eto lang masasabi ko, 'wag na 'wag ka huhuli o hahabol ng kwago. 'Yung mata nun parang radar, baka 'pag nakitang may katabi kang ibang ibon e pagtutukain ka. Nakaiirita 'yung ganun. Hayaan mo lang 'yung mga kwago sa tirahan nila, 'wag mo na akyatin.

8.) Si Toti ang bestfriend ng mga lalaki.

Akala niyo bestie niyo na? Ulol. May mas bestfriend ang mga lalaki. 'Yun si Toti. Kahit saan, kahit kailan, makakasama...

BOTTOMLINE: Lahat ng sabongero, two-timer, kaya mag-ingat kayo sa mga cockfighters. At sa mga naghahabol ng ibon diyan, may dala na kayong isa... Pero kulang 'yun e. A man cannot live without a partner. Iba kapag may kabiyak. Kasi kapag wala kang kabiyak, isa ka lamang itlog.

"Let's cock on!" - Voltes Cock

Saturday, January 17, 2009

Tarugo

Dapat "Taguro" e, 'yung nasa Ghost Fighter. Pero naisip ko mas tigas pakinggan 'yung "Tarugo." Parang siya 'yung tambay dun sa kanto na kumakain ng barya saka nagsisiopao ng daga.

Sino si Tarugo? Si Tarugo ay isang astig na tao. Alam mo kung bakit?

"Isang porsyentooooo!"

"Dalawang porsyentooooo!"

"Sampung porsyentooooo!"

"Apatnapung porsyentooooo!"

"Isandaang porsyentooooo!"

"Isangdaan at dalawampung porsyentooooo!!!"

Tangina sobra ka na ah. Easy lang, para kang tumatae. Ibuga mo na 'yan. May bilang-bilang ka pang nalaman.

'Yan si Tarugo. Puro dakdak. Ano nangyari sa kanya? Pinulbo ni Ghost Fighter. Lalabas lang 'yung 100% niya siguro kapag pinakulo mo 'yung pwet niya. By that time galit na 'yan saka lang maglalabas ng porsyento porsyento niya.

"Isanglibong porsyentooooo!!!!!!!"

Barbero. Isang libo ka diyan. Ulul mo gago. Bayagan kita eh.

Tuesday, January 13, 2009

Grimace

Ano ba siya? 'Yan 'yung unang tanong na sasayad sa kokote mo 'pag nakita mo siya sa McDonald's.

Mascot.

Bilang mascot, kailangan niyang mag-entertain. Kumbaga, "keep the party going." Kaya tuwing nakikita ko 'yang si Grimace, palaging sumasayaw. 'Yung sayaw niya parang 'yung tinuturong knee warm-up sa atin noong kinder pa tayo.

Tapos mukha pa siyang nag-ootso-otso dahil doon. Para nga siyang nakajuts dahil may kasama pang headbang sa pagsayaw. Tapos mabilis. Matching sa waistline niyang napakalaki. Nakahubad pa si gago wala namang bayag. Proud pa.

Isa lang siyang malaking tababoy. Tingin ko 'pag sinipa mo 'yun hindi na makakatayo. Parang ang sarap pagulung-gulungin palabas ng McDo. Tapos magtatawag ka ng mga batang kalye tapos sisibakin nila si Grimace.

Saturday, January 10, 2009

Winnie

Tangama. Pangalan pa lang alam na e. Kilala mo ba 'yang si Winnie The Pooh?

"Wow ang cute cute niya! Awww ang sarap icuddle!"

Ulul. Tingnan mo magdamit, parang boldstar. Gumagawa 'yan ng milagro sa ilalim ng puno kasama nung kaibigan niyang biik. Pareho 'ata silang lalaki e... Wala namang kabayag-bayag. Nag-aamuyan pa sila ng pawis. Akala mo nagyayakapan sila habang nakapikit? Hindi. Nagpapalit sila ng dila.

Pero alam mo, kahit parang baklita si Winnie, siya 'yung nakikitang "cute" eh. Wala na tayong magagawa 'dun. Kahit siguro itambad mo sa harap ng isang babae si Edward Cullen at si Winnie the Pooh, pipiliin si Winnie. Mas bakla kasi pakinggan 'yung Edward.

Cute si Winnie. Pero bakla pa rin gago. Laki-laki na pero 'di pa nagbibrief. Walang tinatago e... O walang ipapakita?

Kaya kapag nakakita ka ng Winnie, tuliin mo na bago ka pa ma-cute-an sa kanya.

Friday, January 9, 2009

Edward Cullen

Kilala mo ba si Edward Cullen? Bading 'yun eh. 'Wag mo na itanong kung bakit. Tanggapin mo na lang na bading 'yun.

Pero dahil matigas ang tae mo, heto't ipaliliwanag ko. Una, pedo 'yung gagong 'yun. Mas matanda ng 100 years ata 'yung amoy lupa na 'yun kay Bella. Pangalawa, nanglalandi ng mga hindi kauri si Mr. Cullen. Ikaw kung tao ka, iibig ka ba sa kabayo? Tangina naman eh. Walang gagawa nun. Panghuli sa lahat, puro siya papuri na "you're my own brand of shit blah blah" tangina bumanat ka na lang.

Kung Edward Cullen ka, magbago ka na. Tangina mo bading.

Teka teka, 'wag ka masaktan kung mahal mo si Edward Cullen. Dapat tanggap mong bading talaga siya.

Wednesday, January 7, 2009

Gagamboy

Maraming lalaki na iniisip na sila si Spiderman. Sapot lang nang sapot, sabit lang nang sabit... Ang problema karaniwan ng mga sinasabitan nila, hindi tumatagal.

Doon sila nagiging Gagamboy. Akala mo superhero eh. Ulul mo. Ang problema kay Gagamboy, tumitiklop. Sige lang nang sapot, sabay kakalat dun sa dulo. Hindi lang titisod, tutumba, o tataob eh. Hindi lang tatalsik. Titilapol.

Tiklop.

Hindi pa madadala. 'Pag nakakita ng sasabitan, sasabit uli.

Tiklop.

Putangina. 'Eto pa 'yung malala, may samahan ng mga Gagamboy. Sabay-sabay sasabit, sabay-sabay titiklop.

Gago. Para kasing tanga eh. Panay lambitin. Dapat gumawa sila ng sarili nilang web na pananatilihin nila, kung saan sila 'yung manghuhuli at hindi 'yung hinuhuli.

E lalaki eh. Gagamboy talaga.

Monday, January 5, 2009

M. Jackson > M. Jordan

"I Believe I Can Fly."

Asa ka gago.

Maraming mga magagaling na basketbolista. Isa na roon si Michael Jordan. Pero alam niyo ba, hindi lang kinakikitaan ng Michael Jordan skills ang mga tao sa basketball? Sa totoong buhay din.

Maraming mga Michael Jordan sa mundo... Or, mga nagpapaka-Michael Jordan lang pala. Nakakita ka na ba ng ganoon? 'Yung tipong maglalaro ka ng basketball... Tapos tinamad magdala 'yung point guard niyo at fastbreak na lang yung gameplay. Tapos 'yung kukuha ng bola dun sa kabilang panig ng court biglang matataranta dahil hinahabol siya ng mga kalaban... Tapos maglalay-up sa three points.

Tangina. Sino ka? Si Michael Jordan? Ulul mo gago. 'Wag ka na magbasketball.

Anyway, mag-isa lang siya 'dun sa kabilang side ng court. Wala namang nagbabantay. Pero pagtira niya umatras 'yung bola. Pumunta sa likod.

"Ref! Foul!"

Michael Jackson.

M. Jackson > M. Jordan (quantity) Maraming tanga sa mundo eh.