Monday, December 29, 2008

Baboy, Bulate at Linta

'Di ba 'yung mga linta eh yung mga pesteng kumakapit sa balat ng kung ano mang nilalang tapos hihigop ng dugo? Oo, 'yun. Natutuwa ako sa mga linta kasi mahilig silang kumapit sa malusog.

'Pag sinabing malusog, unang pumapasok sa isip ko 'yung baboy. Tapos linta, kasi lumulusog sila dahil sa baboy.

'Yung baboy kasi pinapababoy talaga 'yun eh. Pinanganak siya para maging baboy. Palalamunin siya nang palalamunin para tumaba, para kapag kinatay, sulit. 'Di mo ba naiisip na kawawa 'yung mga baboy? Akala mo masarap buhay nila eh no? 'Yung ibibigay sa kanila ang lahat... Hindi pala.

'Eto 'yung masahol dun eh, kakatayin ka na nga sa kamatayan mo, binubulate ka pa sa loob buong buhay mo. Kumbaga naaagnas ka na sa loob habang nabubuhay ka pa. Pwede ka pang lintain sa labas. Pero 'pag kakatayin ka na, iiwan ka rin ng mga 'yan.

Dapat lumipad ang mga baboy.

Malusog ang mundo.

Saturday, December 27, 2008

Judas Left, Judas Right

May dalawang uri ng Hudas.

'Yung una, 'yung Hudas na hinusgahan na ng mundo. Siya 'yung nabalingan nang traydor sa nakaraang 2000 taon ng ating kasaysayan. Siya 'yung walanghiyang nagbenta kay Kristo sa halagang hindi maipapalit para sa buhay. Siya 'yung taksil sa mga apostoles kaya't tinawag na "Judas the Betrayer."

'Yung ikalawa, 'yun naman si "Judas the Betrayed." Kung medyo pumapasok ang pagkapilosopo mo, maiisip mong lahat ay naaayon sa Panginoon, at lahat ay nasa plano Niya kung kaya't si Hudas eh naging instrumento lamang para matupad ang pagkamatay Niya sa krus. Kumbaga, tinupad lang ni Hudas ang misyon niya.

Si Hudas ba'y wais? O sadyang tanga lang?

Hudas ka pa rin. Emo ka gago, ba't ka nagpakamatay? Bobo mo.

Ok lang 'yan naiintindihan kita. Alam kong hindi ka kaliwa at hindi rin kanan, sapagkat ika'y naging wais sa pagiging tanga... Pwede ring naging tanga sa pagiging wais.

Bottomline: Ang bayani ng sanlibutan ay nagkakahalaga ng 30 silver coins.

Friday, December 26, 2008

Outstanding

'Etong mga outstanding, tiyak nagkaroon ka ng kahit isa.

Natural na may mga buhok na tumutubo sa iba't ibang parte ng katawan mo. Meron sa nguso, sa baba, sa braso, sa binti, sa pwet, sa kilikili, sa dila at kung saan saan pa. Pero alam mo, mayroong outstanding eh. Para bang lahat ng buhok eh maikli pa lang eh siya putangina ang haba na.

'Di ba? Ang sarap gupitin eh. Masyadong outstanding.

Sa mundong ating kinabibilangan, marami ring mga outstanding na tao. 'Yung tipong walang event pero gagawa siya ng sariling eksena tapos magiging outstanding siya 'dun. Ang sarap gupitin eh no? Ay teka, marami pala sila. 'Yun 'yung masaklap dun eh. Napakaraming outstanding na tao kaya kumakapal ang mundo.

Tabasin mo gago.

Pero malamang 'di mo magagawa 'yan. Walang kulay ang buhay kapag walang mga outstanding na tao. Kapag outstanding sila... 'Yun na 'yun. Napakaoutstanding. Ang sarap bunutin sa balat ng lupa.

Ang tanong: may pakinabang ba sila?

Walang wala.

Wednesday, December 24, 2008

Tirador, Purgador, Slugo

May dalawang klaseng animal na tao sa mundo eh. 'Eto silang dalawa:
  1. TUMIRA LANG NANG TUMIRA HANGGANG MAY MATITIRA
  2. PUMURGA NANG PUMURGA HANGGANG MAY MAPUPURGA
Si Tirador, tira nang tira... Basta may butas. Si Purgador, purga nang purga... Basta may lalabasan. Parehong hayop eh no? 'Pag pinagsama mo silang dalawa, magtitirahan at magpupurgahan lang sila kasi 'dun sila masaya.

One simultaneous action: tira at purga.

Pero may ikatlong uri ng animal: 'yung pinag-isang Tirador at Purgador. Ang tawag sa kanya, Slugo. Panalo eh. Dyinodyombag ang sarili. Tangamang Slugo 'yan. Pero ano nga ba ang significance niya sa mundo?

Wala. Parang karamihan sa atin. Nagkakaroon lang ng significance ang isang tao kapag may mga nagmamahal sa kanya - doon siya nagkakahalaga.

Ang problema walang nagmamahal sa Slugo.

Tuesday, December 23, 2008

Bogaks

Isang beses, habang nagkukuwentuhan kami ng tatay ko e nabanggit niya ang salitang iyan...

"Anak, alam mo ba 'yung mga bogaks? 'Yun 'yung tipo ng mga tao na kahit ano gawin mo e talaga namang tabugok 'yung pag-iisip."

4 years old 'ata ako nung sinabi niya 'yan. Pero ngayon, napag-isip-isip ko ang kagandahan ng punto niya. Mayroon kasing dalawang uri ng bogaks: 1.) 'Yung bobo lang talaga, 2.) 'Yung nagbobobo-bobohan. Hindi na lang natuluyang maging bobo eh no? Para sa'kin, si number 2 ang ganap na bogaks.

May kapasidad siyang mag-isip dahil isa siyang intelehenteng nilalang ngunit pinipili niyang maging tanga. Kung sa bagay, 'pag enlightened ka na, kailangan mong bumalik sa pagiging tanga para makaenlighten, o maging tanga lang talaga.

Minsan, kailangan mong higitan ang pagiging inosente at ignorante para maging bogaks, at sa gayon e magbigay liwanag sa kadiliman at magbigay dilim sa kaliwanagan. In short, wala lang.

Bogaks ka na 'no?

Super Saiyan

Nakakita ka na ba ng tao na madaling magalit? Hindi kaaya-aya 'di ba? Tipong 'pag sinabihan mo ng isang mababaw na hirit gaya ng: "lolo mo barnakol" e sobrang magagalit siya kahit 'di niya alam kung ano 'yung barnakol. Ako nga 'di ko alam kung ano 'yun eh.

Pagkatapos 'nun tatayo si super saiyan sa kinauupuan niya at 'yung mukha niya tila isusummon lahat ng tae na pwede niyang itae sa loob ng isang taon. Sabay sisigaw siya ng malakas: "HINDI GANOON LOLO KO!" Tapos, tatakbo siya sa'yo, nag-aastang mang-upak. Siyempre ikaw, tatakbuhan mo lang kasi alam mong mabagal siya.

Mauubusan din ng energy si super saiyan sa bandang huli, nanggagalaiti pa sa galit 'yun. Pero alam mo ba kung gaano katindi ang pagiging super saiyan niya? Kung mayroong dragon balls sa mundo, kinolekta na niya 'yun at hiniling na niya ang iyong madaliang kamatayan.

Lolo mo dragon balls.

Pero ok naman 'yung mga ganyang ugali, dahil kapag wala 'yan hindi magiging balanse ang mundo. Kailangan ng galit para maatim ang katiwasayan, hindi ba?

Dragon balls pa rin lolo mo gago.

Friday, December 19, 2008

Chicosci

Nakakita ka na ba ng emo? 'Yung tipong emo mag-asta saka pumorma.

Subukan mo maglakad kahit saan dito sa Pilipinas. Baka pamilyar na sa'yo to eh:
  • Vans checkered sneakers na madumi
  • Black skinny jeans na may shades ng pagkakupas
  • Mga chains na nakasabit sa pantalon na animo'y mga kadena ng bisikleta
  • Mga laslas sa braso
  • Sandamakmak na abubot
  • Band shirt (na most likely hindi kilala ng nagsusuot)
  • Black jacket na walang brand
  • Earrings
  • Buhok na bagong gising na parang patinik-tinik 'yung style
  • Cool maglakad
  • Mukhang kalabaw
'Yan ang emo pare. Para silang mga daga eh, nagkalat sila sa lahat ng lansangan ng Maynila. 'Yan 'yung mga tipong masarap suntukin eh, tapos siguro 'pag sinuntok mo sila sa mukha maglalabas sila ng patalim, tapos maglalaslas. Ako mismo hindi ko rin sila maintindihan - kung bakit pa sila nabubuhay kung gusto rin lang nilang mamatay, hindi ba?

Isa lang ang kailangan nila eh... Understanding and consideration. Ito 'yung mga taong deprived sa lipunan. Ah ulul gago. Kaya nga daga eh, magsscavenge ng kung ano pa man ang natitira. Inang mga emo 'yan eh, dapat diyan hindi pinoproblema. Bilhan mo ng Racumin... 'Yung pamatay sa daga.

Bottomline: Magaling ang Chicosci.

Thursday, December 18, 2008

I'm so Conyo

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ginawa nilang "Conyo" with the C eh samantalang "Konyo" with the K 'yung orig. Pareho lang naman ang ibig sabihin nun: 'Yung masikip at madilim na eskinita sa pagitan ng dalawang hita.

Naisip ko lang, 'yan na 'yung new age way of speaking ngayon. Pero sa isang banda, nakapipikon din paminsan-minsan. 'Yung tipong uupo ka na lang sa isang tabi e biglang may titigil sa harap mo at biglang mag-uusap ng taglish na pacute.

Conyo Girl # 1: Hey sis! I made punta to the Linea Italia store kanina. And it was ganda like aaaahh! (kinikilig)
Conyo Girl # 2: Oh, sis, ako I was there too alam mo. Their fried chicken was so masarap! (may kasama pang talon)

Putangina. May manok pala dun, 'di ko man lang alam. 'Yan 'yung nakaaasar sa mga Conyo eh - Masyado sila magaling magsalita. Meron ngang mga cute na Conyo, pero meron din mukhang imburnal.

Habang nag-uusap 'yung Conyo girls, isipin mo na lang, kapag sa LRT nila ginawa 'yan, pwede mo silang sipain 'pag malapit na 'yung tren.

"AW! Why did you gawa that to us? We were making antay to the train too noh! .... SIIIIS! The train is malapit na to us! We won't make it back! .... Aaaayy! MAMEEEH! Susmaryosep siiiis."

Boom. Tangina niyo. Bumalik kayo sa Linea Italia para kumain ng fried chicken.

Tim Yap

Brad, pag sinabing brad, lalaki lang. Pero kung babae ka at gusto mong basahin 'to, walang pipigil sa'yo. Sige magbasa ka lang nang magbasa. 5 minutes lang, i-close mo muna 'yang redtube mo.

Napakahalaga ng limang minuto. Sa loob ng limang minuto e pwedeng nakapakinig ka na ng isa sa favorite songs mo, o nakapanood na ng isang nakakalibog na trailer sa youtube, o nakapag-happy time ka na habang nanonood ng porno, o tumae ka na sa mapanghing kubeta sa iyong magandang paaralan.

Masaya eh. Masaya ang limang minuto ng buhay. Mas napapahalagahan ito kapag binasted ka ng syota mo, o kaya hindi ka nag-ORGANic kaya kelangan mo ng another 5 mins, o kaya may dumaang maraming hipon at lollipop sa harap mo na nakapagpatigas sa'yo.

Pero hindi mo maiiwasan na makakita ng pangit. Ayun lang. 'Yun lang. Tangina talaga brad, 'yung tipong pinahahalagahan mo na 'yung natitirang 5 mins. ng oras mo eh biglang dadaan 'yung pangit sa harap mo. Ito 'yung nakakaasar 'dun eh, wala siyang ginagawa sa'yo pero parang gustung-gusto mo sapakin. As in, maglalakad lang siya, pero pakiramdam mo tinarantado ka na.



TIM YAP.

"Tang Inang Mukha Yan Ang Pangit"

'Wag mo na uli tingnan, baka masayang 5 mins. mo brad.