Monday, September 21, 2009

Kabantutan

Kailangan nating tanggapin na napakaraming tae sa mundo - sa mga pag-uutak na hindi mo kakikitaan ng kahit isang kusing ng sentido kumon at sa mga kilos na hindi mabigyan ng karampatang kadahilanan dahil sa lubusang pagkatanga ng gumawa at ng ginawa.

At ngayong nagiging isang ganap na septic tank na ang mundo mo e malamang hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo, 'di ba? Tila permanenteng nagiging maalingasaw na ang panahon gaya na lamang ng pag-init ng ulo mo dahil sa paglaki ng populasyon ng mga bano at mga hambog na tae rito sa balat ng lupa. Isang malaking "putangina naman eh bakit ba kayo ganyan?" ang tanging tanong na maibabato mo sa sangkalangitan kung bakit sa pagiging sawimpalad ng mga tae rito sa mundo ay nadadamay na ang iyong kapalaran sa kanilang pagkakabigo.

Walang solusyon. Mahahabag ka na lamang kung bakit naging ganito ang mundo. Ay teka, kung ang mga intelektwal na nilalang na hindi tabugok ang pag-iisip ay nagsama-sama...

"If the brains of the nation would constitute," sabi nga ni Jose Rizal, eh 'di... "The hell of a shitload would constitute as well."

Tang. Ina.

No comments:

Post a Comment