Saturday, September 5, 2009

Ligaw

Ang panliligaw ay parang pagtawid mula sa sidewalk papunta sa kalsada. May kanal sa pagitan ng dalawa. Dito mo ngayon susukatin kung gaano kalayo ang hahakbangin mo at tatantyahin kung gaano kalakas ang talon na isusuong mo.

Ang problema naman dito e kapag nahulog ka doon sa kanal. Mabaho 'dun eh. Ngunit anong saya naman kaya ang hihigit pa kapag natawid mo na 'yung putanginang kanal na parang nalasap mo na ang pinakatagumpay ng buhay mo?

Wala. Gago sasagasaan ka pa ng tatay. Gusto mo ah. Bumalik ka sa sidewalk.

No comments:

Post a Comment