Thursday, October 22, 2009

Utot

Noong isang linggo ay nakasakay ako sa "Megatrain" (ayon doon sa guard na naka-megaphone sa Santolan LRT Station Line 2). Tuwing paparating na 'yung tren ay lagi niyang sinasabi na:

"Ser, ma'am pakiatras lang po."

Atras saan? Ang alin? Bukod sa kasabawang iyan e kapag tumigil na 'yung tren at bumukas na 'yung mga pinto ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang speech:

"Tayo po'y sumakay na sa megatrain!!!"

Sa isang masiglang-masiglang tono na sana'y nakaaakit sa ating mga pandinig... Pero hindi talaga eh. Tapos kong marinig iyon ay nakapasok na ako sa loob ng tren sapagkat marami rin naman ang sumasakay sa Santolan station. Maya-maya pang kaunti ay umandar na rin 'yung tren. Ok na sana 'yung biyahe eh, nakakabuhay 'yung guard kapag umaga, pero may umutot sa loob ng tren.

Hetong sa'yo: AMBAHO GAGO.

Lahat ng linalabas ng tao sa kanyang katawan ay mabaho. Isa itong uri ng paghahasik ng lagim. Nakamamatay.

No comments:

Post a Comment