Saturday, January 31, 2009

Hormonoid

Tumatae ako kanina nung biglang pumasok 'yang salitang 'yan sa kamalayan ko.

Teka may salita bang ganyan?

"Wala."

Tao?

"Oo?"

Ang hormonoid ay 'yung mga taong ang lifeline e hormones. Puros kalibugan lang 'yung laman ng kanilang budhi't saloobin, at kabulastugan naman sa kanilang kaisipan. Ay teka, mayroon ba talaga silang puso't isipan?

Mayroon naman, matatagpuan ito sa kanilang tite.

Hormonoid = ang titing tinubuan ng tao

Sunday, January 25, 2009

Don Romantiko at ang mga Susi

Minsan nakapipikon din 'yung mga romantikong tao. Alam mo ba 'yun? Para silang mga susi. Animo'y pupulutin din ni Kupido sa kangkungan tapos paliliparin sa isang saranggola habang bumabagyo.

'Eto namang mga putanginang susi na 'to, akala mo e sa gitna ng bagyong dinaranas nila sa buhay e nakakakita ng liwanag sa kadiliman, kaya aasa sila.

Kikidlatan.

Lalagapak sa lupa na tustado hanggang buto.

Papakasusi ka pa sa puso ng ibang tao a. Tangina mo. Bobo mo gago. Hindi na uso susi ngayon ungas. Titi na.

'De biro lang. Ang pagiging romantiko ay parang pangangapa ng titi sa dilim.

Tuesday, January 20, 2009

Cockfighter

Ang pag-ibig parang sabong. Maniwala ka sa akin. Heto't ipoprove ko kung bakit.

1.) Love is a wild goose chase.

Oo, hahabol ka ng mga gansa. Lipad doon, lipad dito. Tangina naman e wala kang makuha. Sana pato na lang hinabol mo, mas tanga 'yun e. Pero syempre ayaw mo ng tanga kaya maghahanap ka ng mas magandang ibon.

2.) 'Wag habulin ang mga sisiw.

Ang mga chicks, pinapakawalan lang 'yan. Masyado maliit pakinabang sa kanila. Hahaplus-haplusin mo lang. Sila naman magpapacute lang sa'yo. Sa bandang huli e pakakawalan mo rin naman 'yang mga 'yan.

3.) Mas masarap at mas malaman ang roast chicken sa itik.

'Pag pumunta ka sa Andoks o Baliwag, malamang mas mapapa-"pakshet ang laki!" ka sa manok. Hindi ka bibili ng putanginang itik. Aanuhin mo 'yun? Walang kwenta 'yun e. Mabuti pa 'yung manok, pwede mo pa isabong, 'di ba?

4.) Mas madaling hulihin ang manok na nakatali.

Bakit ka takbo nang takbo sa wilderness kung ang gagawin mo lang e pupunta ka sa kapitbahay mo at susulutin 'yung manok niya? Bobo mo. Pero, mag-ingat ka lang sa amo nung manok, baka pulbusin ka 'pag kinidnap mo panabong niya.

5.) Hindi hinuhuli ang ostrich.

Baka ikaw itali nun ungas. Don't acquire something you can't handle. Pinapabayaan lang 'yang mga ostrich na 'yan. Panget mga 'yan e, saka mabaho, saka violent. Ang liit pa ng utak, tapos ang laki mangitlog. Walang kwenta.

6.) 'Di mo kailangan ng underwater bird.

Penguin? Hindi ko rin alam kung paano naging ibon 'yun. Lumilipad lang 'yun sa dagat. Bakit mo susundan sa dagat? Taga-lupa ka, hindi ka para sa mga penguin. Saka mamamatay lang 'yun pag linabas mo sa teritoryo nila.

7.) Ang mata ng kwago ay malaki.

'Eto lang masasabi ko, 'wag na 'wag ka huhuli o hahabol ng kwago. 'Yung mata nun parang radar, baka 'pag nakitang may katabi kang ibang ibon e pagtutukain ka. Nakaiirita 'yung ganun. Hayaan mo lang 'yung mga kwago sa tirahan nila, 'wag mo na akyatin.

8.) Si Toti ang bestfriend ng mga lalaki.

Akala niyo bestie niyo na? Ulol. May mas bestfriend ang mga lalaki. 'Yun si Toti. Kahit saan, kahit kailan, makakasama...

BOTTOMLINE: Lahat ng sabongero, two-timer, kaya mag-ingat kayo sa mga cockfighters. At sa mga naghahabol ng ibon diyan, may dala na kayong isa... Pero kulang 'yun e. A man cannot live without a partner. Iba kapag may kabiyak. Kasi kapag wala kang kabiyak, isa ka lamang itlog.

"Let's cock on!" - Voltes Cock

Saturday, January 17, 2009

Tarugo

Dapat "Taguro" e, 'yung nasa Ghost Fighter. Pero naisip ko mas tigas pakinggan 'yung "Tarugo." Parang siya 'yung tambay dun sa kanto na kumakain ng barya saka nagsisiopao ng daga.

Sino si Tarugo? Si Tarugo ay isang astig na tao. Alam mo kung bakit?

"Isang porsyentooooo!"

"Dalawang porsyentooooo!"

"Sampung porsyentooooo!"

"Apatnapung porsyentooooo!"

"Isandaang porsyentooooo!"

"Isangdaan at dalawampung porsyentooooo!!!"

Tangina sobra ka na ah. Easy lang, para kang tumatae. Ibuga mo na 'yan. May bilang-bilang ka pang nalaman.

'Yan si Tarugo. Puro dakdak. Ano nangyari sa kanya? Pinulbo ni Ghost Fighter. Lalabas lang 'yung 100% niya siguro kapag pinakulo mo 'yung pwet niya. By that time galit na 'yan saka lang maglalabas ng porsyento porsyento niya.

"Isanglibong porsyentooooo!!!!!!!"

Barbero. Isang libo ka diyan. Ulul mo gago. Bayagan kita eh.

Tuesday, January 13, 2009

Grimace

Ano ba siya? 'Yan 'yung unang tanong na sasayad sa kokote mo 'pag nakita mo siya sa McDonald's.

Mascot.

Bilang mascot, kailangan niyang mag-entertain. Kumbaga, "keep the party going." Kaya tuwing nakikita ko 'yang si Grimace, palaging sumasayaw. 'Yung sayaw niya parang 'yung tinuturong knee warm-up sa atin noong kinder pa tayo.

Tapos mukha pa siyang nag-ootso-otso dahil doon. Para nga siyang nakajuts dahil may kasama pang headbang sa pagsayaw. Tapos mabilis. Matching sa waistline niyang napakalaki. Nakahubad pa si gago wala namang bayag. Proud pa.

Isa lang siyang malaking tababoy. Tingin ko 'pag sinipa mo 'yun hindi na makakatayo. Parang ang sarap pagulung-gulungin palabas ng McDo. Tapos magtatawag ka ng mga batang kalye tapos sisibakin nila si Grimace.

Saturday, January 10, 2009

Winnie

Tangama. Pangalan pa lang alam na e. Kilala mo ba 'yang si Winnie The Pooh?

"Wow ang cute cute niya! Awww ang sarap icuddle!"

Ulul. Tingnan mo magdamit, parang boldstar. Gumagawa 'yan ng milagro sa ilalim ng puno kasama nung kaibigan niyang biik. Pareho 'ata silang lalaki e... Wala namang kabayag-bayag. Nag-aamuyan pa sila ng pawis. Akala mo nagyayakapan sila habang nakapikit? Hindi. Nagpapalit sila ng dila.

Pero alam mo, kahit parang baklita si Winnie, siya 'yung nakikitang "cute" eh. Wala na tayong magagawa 'dun. Kahit siguro itambad mo sa harap ng isang babae si Edward Cullen at si Winnie the Pooh, pipiliin si Winnie. Mas bakla kasi pakinggan 'yung Edward.

Cute si Winnie. Pero bakla pa rin gago. Laki-laki na pero 'di pa nagbibrief. Walang tinatago e... O walang ipapakita?

Kaya kapag nakakita ka ng Winnie, tuliin mo na bago ka pa ma-cute-an sa kanya.

Friday, January 9, 2009

Edward Cullen

Kilala mo ba si Edward Cullen? Bading 'yun eh. 'Wag mo na itanong kung bakit. Tanggapin mo na lang na bading 'yun.

Pero dahil matigas ang tae mo, heto't ipaliliwanag ko. Una, pedo 'yung gagong 'yun. Mas matanda ng 100 years ata 'yung amoy lupa na 'yun kay Bella. Pangalawa, nanglalandi ng mga hindi kauri si Mr. Cullen. Ikaw kung tao ka, iibig ka ba sa kabayo? Tangina naman eh. Walang gagawa nun. Panghuli sa lahat, puro siya papuri na "you're my own brand of shit blah blah" tangina bumanat ka na lang.

Kung Edward Cullen ka, magbago ka na. Tangina mo bading.

Teka teka, 'wag ka masaktan kung mahal mo si Edward Cullen. Dapat tanggap mong bading talaga siya.

Wednesday, January 7, 2009

Gagamboy

Maraming lalaki na iniisip na sila si Spiderman. Sapot lang nang sapot, sabit lang nang sabit... Ang problema karaniwan ng mga sinasabitan nila, hindi tumatagal.

Doon sila nagiging Gagamboy. Akala mo superhero eh. Ulul mo. Ang problema kay Gagamboy, tumitiklop. Sige lang nang sapot, sabay kakalat dun sa dulo. Hindi lang titisod, tutumba, o tataob eh. Hindi lang tatalsik. Titilapol.

Tiklop.

Hindi pa madadala. 'Pag nakakita ng sasabitan, sasabit uli.

Tiklop.

Putangina. 'Eto pa 'yung malala, may samahan ng mga Gagamboy. Sabay-sabay sasabit, sabay-sabay titiklop.

Gago. Para kasing tanga eh. Panay lambitin. Dapat gumawa sila ng sarili nilang web na pananatilihin nila, kung saan sila 'yung manghuhuli at hindi 'yung hinuhuli.

E lalaki eh. Gagamboy talaga.

Monday, January 5, 2009

M. Jackson > M. Jordan

"I Believe I Can Fly."

Asa ka gago.

Maraming mga magagaling na basketbolista. Isa na roon si Michael Jordan. Pero alam niyo ba, hindi lang kinakikitaan ng Michael Jordan skills ang mga tao sa basketball? Sa totoong buhay din.

Maraming mga Michael Jordan sa mundo... Or, mga nagpapaka-Michael Jordan lang pala. Nakakita ka na ba ng ganoon? 'Yung tipong maglalaro ka ng basketball... Tapos tinamad magdala 'yung point guard niyo at fastbreak na lang yung gameplay. Tapos 'yung kukuha ng bola dun sa kabilang panig ng court biglang matataranta dahil hinahabol siya ng mga kalaban... Tapos maglalay-up sa three points.

Tangina. Sino ka? Si Michael Jordan? Ulul mo gago. 'Wag ka na magbasketball.

Anyway, mag-isa lang siya 'dun sa kabilang side ng court. Wala namang nagbabantay. Pero pagtira niya umatras 'yung bola. Pumunta sa likod.

"Ref! Foul!"

Michael Jackson.

M. Jackson > M. Jordan (quantity) Maraming tanga sa mundo eh.