Friday, February 27, 2009

Ubod

Ang mga taong ubod, 'eto 'yung mga taong nagpayong noong nagpaulan ng kagandahan ang Diyos sa mundo, kaya ni isang patak man lamang ng kabutihan sa kanya e wala ka talagang makikita.

Tapos naisip niyang 'wag na lang magpayong noong nagpaulan naman ng kapangitan ang Diyos. Doon naman siya nagtampisaw at nagbabad. Tuwang-tuwa pa kamo.

Ubod talage eh tanginang 'yan. Tapos akala niya mabuting bagay 'yung nasalo niya mula sa langit kaya ngingiti siya sa'yo na sobrang proud.

Ubod talaga siya ng...

Ng...

Ng...

'Wag mo na alamin. Ubod lang naman ng tae.

Sunday, February 22, 2009

Bano

"Ay, mali."

Wala namang mali kapag narinig mo 'yan sa isang tao eh. Syempre, tao lang tayong lahat kaya natural lang na magkakamali tayo sa pang-araw-araw na mga gawain.

Pero kapag maya-maya mo na naririnig 'yang mga katagang 'yan na nagmumula lamang sa iisang tao, ah tangina talaga. Parang pinanganak na fail 'yun ah.

Bano gago.

"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."




"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."
"Ay, mali."

Parang maling tao ka ah.

Saturday, February 21, 2009

Sakuragi

Ang pag-ibig parang basketball. Habang maaga't may enerhiya ka pa, tumira ka na nang tumira Kahit sablay. Tira lang; baka mamaya mahina na muscles mo.

At kapag nabigo ka na, isipin mo na lang na si Sakuragi e limampung (50) beses nang itinaob ng iba't ibang babae. At nakamit niya ang tagumpay na iyan sa unang taon pa lamang sa highschool.

Kapag linampasan mo 'yung record niya...

MAHUSAY.

Thursday, February 19, 2009

The Seven Horny Horns

Ito ang pitong senyales na nagpapakita ng kalibugan ng isang lalaki:

1.) Pasulyap-sulyap

Nako ayan na, nakakita ng potential target si lalaki kaya umaaligid ang kanyang dalawang mata sa area.

2.) Titig

Kapag tumitig ang isang lalaki ibig sabihin tinitingnan na niya talagang mabuti ang babae at hinahanap ang mga gusto at ayaw niyang makita doon.

3.) Turo

Kapag tinuro ng isang lalaki ang isang babae para makita ng mga kapwa lalaki, ibig sabihin e malupit talaga 'yung babae.

4.) "Uiii!"

Kapag binanggit ng isang lalaki ang expression na iyan, ibig sabihin kumilos 'yung babae sa paraang nagustuhan talaga ng lalaki.

5.) "Shit!"

Shit talaga kasi talagang matatae na 'yung lalaki sa pantalon niya kakatingin dun sa babaeng kanina pa niya pinagnanasahan.

6.) "Tangina!"

Ah 'eto tangina talaga kasi malamang nakakapagpasabog-bayag na 'yung babae sa kagandahan o kaseksihan niya.

7.) "UGHHH..."

Gago may linabasan. GG. Kaunting babala lang sa mga babae dahil baka biglang may kabayong dumapo sa ano niyo... Sa ano, basta.

Paano mo malalaman kung ang isang lalaki ay matino na? Simple lang... Naputol na niya ang pitong sungay na iyan sa pag-uugali niya. 'Yun ang tunay na lalaking nagmamahal.

Joke lang gago. Lahat ng lalaki malibog.

Sunday, February 15, 2009

Ungas

Napakaraming ungas sa mundo. Alam mo ba 'yun? Sobrang hindi mo talaga sila maiintindihan:

- May mga balak sila pero sinasabi nilang ayaw nilang gawin.

- May mga gusto sila pero sinasabi nilang ayaw nilang abutin.

- May katinuan sila pero ayaw nilang gamitin.

Kaya nga ungas eh. Pero sila talaga 'yung sobrang malalabong mga tao na minsan kailangan 'wag mo nang intindihin para matauhan. Puro kasi drama eh.

Ikaw, ungas ka rin 'no?

Saturday, February 7, 2009

Turon Turon Sinta

Turon turon sinta
Buko ay dalawa
Dala-dala'y libog
Sisidlan ng tamod
Pagsaksak sa dulo
Nabali ang saya
Butas ang ANO niya
Humanap ng iba

Ito ang awit nasyonalismo ng mga Hormonoid. Mag-ingat sa kanila, baka madevirginize ka nang 'di oras.