Wednesday, September 30, 2009

Faucet

Alam mo ba 'yung pakiramdam na biglang bubulusok lahat ng tae mo sa butas ng pwet mo? Putangina mahapdi eh. Para kang tinira ng egoy sa likod.

At ngayong iniimagine mo na tinitira ka ng egoy sa pwet (tangina kadiri ka) at umuungol ka sa sakit na nadarama mo, may tanong ako sa iyo: Gusto mo pa ba? Gusto mo 'no? Ok joke lang. 'De hindi joke 'to. Ang baboy kasi ng isip mo.

Iyan ang nagagawa ng utak. Para itong faucet ng mga kahulugan na siyang nagbibigay ng halaga sa bawat salitang nakalathala sa blag na ito, o sa kung anupamang bagay na naisin mong isipin. Kumbaga, ikaw lang talaga ang gumagawa ng pagpapakahulugan sa:

"tinitira ka ng egoy sa pwet,"

At hindi ako. Wala talagang kadiri sa mundo. Nandidiri ka lang. Walang bastos sa mundo. Lumalabas lang talaga pagka-manyakis mo. Itago mo muna 'yang ngiting-demonyo mo bago ka magsabing

"mabait ako,"

Dahil ako lang 'yun.

Monday, September 21, 2009

Kabantutan

Kailangan nating tanggapin na napakaraming tae sa mundo - sa mga pag-uutak na hindi mo kakikitaan ng kahit isang kusing ng sentido kumon at sa mga kilos na hindi mabigyan ng karampatang kadahilanan dahil sa lubusang pagkatanga ng gumawa at ng ginawa.

At ngayong nagiging isang ganap na septic tank na ang mundo mo e malamang hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo, 'di ba? Tila permanenteng nagiging maalingasaw na ang panahon gaya na lamang ng pag-init ng ulo mo dahil sa paglaki ng populasyon ng mga bano at mga hambog na tae rito sa balat ng lupa. Isang malaking "putangina naman eh bakit ba kayo ganyan?" ang tanging tanong na maibabato mo sa sangkalangitan kung bakit sa pagiging sawimpalad ng mga tae rito sa mundo ay nadadamay na ang iyong kapalaran sa kanilang pagkakabigo.

Walang solusyon. Mahahabag ka na lamang kung bakit naging ganito ang mundo. Ay teka, kung ang mga intelektwal na nilalang na hindi tabugok ang pag-iisip ay nagsama-sama...

"If the brains of the nation would constitute," sabi nga ni Jose Rizal, eh 'di... "The hell of a shitload would constitute as well."

Tang. Ina.

Saturday, September 19, 2009

Ulupong

Maraming ganyan sa mundo, lalo na kung isasaalang-alang mo 'yung ipinahayag ng Genesis sa banal na bibliya na may isang ganyan na naghasik ng lagim sa paraiso.

Iyan ang isa sa mga tunay na anak ng tae.

Sunday, September 13, 2009

Masarap Ba Ang Bawal

Mga ilang taon na ang nakararaan, tuwing tumatakas ako sa bahay at nagcocommute pauwi nakikita ko ang billboard ng bold na 'yan habang nakasakay sa trike. Halata namang bold 'yan eh, at alam mong mga amateur 'yung mga gumaganap. At alam mo rin na nagjajakol 'yung mga lalaking nanonood niyan sa loob ng cinema dahil 'yung cinema ay nasa isang palengke.

At tiyak mabaho 'dun.

Pero masarap ba ang bawal?

'Pag diabetic ka, napakasarap ng coke.
'Pag asthmatic ka, napakasarap ng yosi.
'Pag obese ka, napakasarap ng baboy.
'Pag virgin ka, napakasarap kumantot.

Pero hindi lahat ng bawal masarap.

Bawal tumae.

Saturday, September 5, 2009

Ligaw

Ang panliligaw ay parang pagtawid mula sa sidewalk papunta sa kalsada. May kanal sa pagitan ng dalawa. Dito mo ngayon susukatin kung gaano kalayo ang hahakbangin mo at tatantyahin kung gaano kalakas ang talon na isusuong mo.

Ang problema naman dito e kapag nahulog ka doon sa kanal. Mabaho 'dun eh. Ngunit anong saya naman kaya ang hihigit pa kapag natawid mo na 'yung putanginang kanal na parang nalasap mo na ang pinakatagumpay ng buhay mo?

Wala. Gago sasagasaan ka pa ng tatay. Gusto mo ah. Bumalik ka sa sidewalk.