Thursday, August 27, 2009

Magic Sarap

Ang pinakamasarap na sangkap bilang pampalasa sa kahit anong putahe na lalasapin mo sa buong buhay mo ay iyong matamis. Kapag linunok mo iyan, mamaya mapakla na sa dila. Tapos aasim, tapos papait, tapos mamaya maiisip mo... Ang alat.

Nakausap ko noon si Boy Turon tungkol sa mundo at heto ang sinabi ko sa kanya:

"Pare, ang buhay ay isang kantutan. Ang mundo ay isang malaking kama. Lahat tayo ay tite at puke lamang."

Nang lumipas ang maraming buwan, napag-isip-isip ko............ TOTOO NGA. 'Wag ka na umangal; malibog ka rin gago.

Monday, August 24, 2009

Anak Ng Ebak

May mga tao talaga na hindi mo alam kung ilinuwal ng ebak noong pinanganak. Bukod sa kahindig-hinding na ka-ebak-an 'yung ugali at nag-uumapaw sa ka-ebak-an ang kokote, sumusuong din sa ating kamalayan ang kanilang hindi kapana-panabik na amoy - pero hindi 'yung amoy na nasasagap ng ating ilong - 'yung amoy na nakukutuban natin na may hindi magandang mangyayari.

Tapos biglang mangyayari ang inaasahan mong ka-ebak-an. Tapos, 'yung ebak na gumawa noon, hindi niya talaga alam na ebak siya. Pero may solusyon para maituro sa kanya ang realidad na isa siyang ebak...

Maghanap kayo ng tubol sa kalsada tapos sabihin mo:

"Lolo mo."

Tuesday, August 18, 2009

Kupal

Alam naman natin na ang ibig sabihin ng salitang kupal ay 'yung hindi kaaya-ayang amoy na umaalingasaw sa balat na nagsisilbing panakip ng ulo ng ari ng isang lalaki. 'Wag mo na subukang amuyin dahil hindi ito magiging isang magandang karanasan.

Pero maaari rin naman nating ilagay ito sa mas literal na konteksto sa paghahalintulad ng payak na katangian na ito sa mga kapwa mortal nating tao na masyadong magaling sa maraming larangan o aspeto ng ating buhay.

Paano mo kaya uubusin ang kupal sa mundo? Asa boy.

Saturday, August 15, 2009

Brakes

Motor, bisikleta, kotse, bus, jeep... at marami pang iba - lahat 'yan may mga prenong nakalagay sa gulong nila para kung kinakailangang tumigil e makatitigil sila. Isa itong mahusay na rebolusyon bilang pag-usbong sa larangan ng teknolohiya na tao rin ang nagsimula at patuloy na gumagawa.

Isang kabalintunaan nga lang na ang mga tao mismo, paminsan-minsan, walang preno sa bunganga. Magaling.

Wednesday, August 5, 2009

Population Pollution

Nagkalat ang mga bano sa iba't ibang lupalop ng ating mundo. Sila ang kumakatawan sa napakalaking bilang ng mga nilalang na gumagawa ng napakaraming kamalian na siyang nagdudulot ng kanilang kasablayan na patuloy namang sumisira ng kanilang pangalan kung kaya't ginagawa nila ito hindi para sa kanilang kapakanan kundi para ipakita ang kanilang angking katangahan sa hindi maipaliwanag na mga kadahilanan at ito'y hindi magkakaroon ng kahit anupamang katapusan hangga't hindi nila matutustusan ng tamang katalinuhan ang kanilang mga ignoranteng kamalayan.

Ang mga bano ay kumakatawan sa isang unstoppable force. 'Di mo sila mapipigilang gumawa ng mga kabanuan dito sa mundo. Bagaman sila'y isang populasyon, sila rin ang nagiging polusyon.

'Yun nga lang, walang mundo kapag walang mga bano. Pasalamat tayo't marami sila.

Saturday, August 1, 2009

Mali Eh

Alam mo ba kung bakit ka dapat matuwa sa mga bagay na hindi nakatutuwa?

'Di ko alam eh.